Walang Nahiya
SONA 2026
Sa gitna ng baha sa putik ng nayon… nakalutang ang bangkay ng pangakong sa kawalan ng katuparan ay ibinaon. Bilyon-bilyong pondo ang iniligak sa mga multong proyekto kaya sa rumaragasang galit ng mga ilog ang maralita ang nilamon. "Mahiya naman kayo!" aniya ng hari sa palasyo… kunwari ay galit sa mga manggagantso ngunit ang totoo… siya ang hari ng mga kumakatay sa bansa pagkat sa mga korap… siya ang sinasambang buhay na rebulto. Magsasaka wala nang binhing maipunla—kinakamkam pa ang lupa… ngunit naroon ang haring sa dayo ay buong-aliping nagpapakatuta… kalupaan ng bansa ay ginawang taniman ng imperyalistang digma. Mangingisda ay itinataboy sa sariling karagatan. Manggagawa ay nanatiling naka kadena sa kalansing ng barya-baryang sahod at pagkaalipin. Kabataan ninanakawan ng ginintuang silahis ng kinabukasan... habang sa palasyo ay lasing sa kapangyarihang nagdiriwang ang angkan at ang sirkulo ng nakabarong na mga kawatan. Ngunit makinig kayo… naghahanda ang mga nasa kubo… hindi na paghibik ang namumuo sa dibdib ng bayan kundi unos. Dumadagundong ang martsa ng libu-libong kamao. Walang nahiya! Wala sa bulwagan ang paglaya!
Feel free to be first to leave comment.